"nasa car na ako. punta ka na dito."
at mabilis pa sa kidlat akong tumakbo patungo sa parking lot sa labas ng mall. wala akong pakialam kung may madapa o may mabangga basta takbo na lang hanggang makalabas. galing pa ako sa kabilang dulo kung saan nandoon ang bookstore na pinagtambayan ko ng ilang minuto.
pagkalabas ko ay tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang. kulang na kasi ako sa cardio kaya hiningal. ayaw ko ring makita niya akong pinagpapawisan kahit galing lang ako sa lamig-tundra ng mall. di na rin naman malayo kung saan siya nagpark.
habang papalapit sa sasakyan niya, nag-iisip ako ng sasabihin. hindi ko alam kung itutuloy namin ang sagutan o uuwi na lang na walang kibuan. mag-aaway o maghihiwalay. ewan ko. nagkatampuhan na naman kasi kami kanina.
ako kasi ang pinakapraning sa lahat ng naging boyfriend niya.
alam ko mali. na hindi nakakatulong sa relasyon namin lalo na pitong buwan pa lang kami pero ganun lang talaga siguro ako. at kahit ilang milyong beses niyang sabihin na walang magkakagusto sa matabang tulad niya, hindi ako naniniwala. kahit ipagpilitan niyang ang hanap ng majority ng mga becky ay gym fit, hindi ko maiiwasang mag-alala na may lumalandi sa kanya. oo, selfish talaga ako. madrama pa.
na minsan ikinatutuwa niya dahil ayaw ko siyang mawala sa akin. yun nga lang, nakakapikon pag sumobra. at natiyempuhang napuno siya noong araw na iyon na papunta kami ng mall para manood sana ng sine.
"inaway mo na naman ako."
kasalanan ko naman kasi eh. at kahit hindi ko kasalanan ay yan pa rin ang sasabihin niya. para kunwari siya lagi ang inaapi. siya lagi ang kawawa.
"akala mo madadala mo ako sa ballpen."
wala naman akong magawa nung iniwan niya ako sa loob ng mall sa bilis ng kanyang lakad kaya nagpunta na lang ako ng bookstore para bumili ng ballpen. yung mura lang pero maayos ang sulat. bumili ako ng tatlo kasi baka kung saan-saan niya mailagay at makalimutan. okay na yung beinte pesos para sa tatlo. akala ko nga wala na yung mumurahin. madami pa naman palang mapagpipilian.
"kasi naman eh.." yun lang ang nasabi ko.
matapos ang ilang minuto ay bumalik na kami sa mall. hinihintay na kami ni percy.

posted from Bloggeroid