Showing posts with label trabaho. Show all posts
Showing posts with label trabaho. Show all posts

Wednesday, May 22, 2013

Istro

totoo pala talaga yung sinasabi nilang "hate at first sight".

okay. fine. too harsh. "hindi ko siya feel at first sight" para mas nakakarelate. sigurado naman akong naexperience niyo na ito. yung tipong anino pa lang ang nakita niyo eh parang may konting kulo na sa dugo mo. sa pagsabi pa lang niya ng "hi" o "hello" sinasabi mo na kaagad sa sarili mo na hindi kayo magkakasundo. nagbabago ang ihip ng hangin pag nararamdaman mo ang presensya niya na parang may amoy na nakakasulasok. at kahit anong pilit mong ngumiti ay sapilitang bumibigat ang iyong pisngi na kailangan mong tumalikod para hindi niya makita ang pag-ismid mo kasama na ang pagroll ng eyes at pagkunot ng noo.

siguro may bahagi rin sa akin na nagsasabing "sana nagkakamali lang ako. na okay naman siyang tao. just give it time and give a chance." pero iba talaga ang gut feel ko.

at hindi ako nagkamali.

buti na lang at hindi pala ako nag-iisa at dumarami pa kami. na kahit alam naming masama na pag-usapan ang sino man pag nakatalikod siya ay hindi talaga namin maiwasan. na mula sa suot niyang damit na puwedeng maging sanhi ng pagkakakulong sa dami ng batas na nilabag hanggang sa pagkakamali sa kanyang grammar ay hindi nakakalampas sa aming radar.

ewan ko ba. ayaw ko lang talaga sa taong epal. ayaw ko sa taong akala mo kung sino pero wala namang ibubuga. at lalong ayaw ko sa taong ang talento ay ang humigop, sumipsip at maging alulod sa boss para makuha ang gusto. na ayos lang na pulang-pula ang stats at walang naibabahagi sa team niyo pero sa bandang huli siya ang binibigyan ng pabor. siya ang maganda ang schedule. oo siya na.

bakit nga ba madami ang tulad nila sa mundo..

na ikaw na nagsusumikap at nagttrabaho nang maayos ay naaapektuhan na dahil hindi mo maitanggi sa sa iyong sarili ang mga nangyayari. na okay pa sana pero hindi na kakayanin ng tenga mo dahil nagmamalaki pa siya.


hayaan niyo na lang akong ilabas ang lahat ng ito dito.

at siguro mapapalampas ko ang ginagawa niya sa ngayon pero huwag lang niyang subukan na banggain ako o ang mga kaibigan ko. ibang usapan na iyon.

posted from Bloggeroid

Monday, May 6, 2013

kolboy

sabi nga nila, tatagal ka sa iyong trabaho dahil sa mga kasama mo.

mahigit isang taon na nung sinubukan kong pasukin ang pagiging kolboy. nung umpisa, wala lang, gusto ko lang masubukan.

pero naisip ko na kaya ko sinubukan dahil gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko at makaalis sa di magandang kapaligiran ng aking trabaho. siguro napuno na ako sa mga mapanghusgang mata at makakating dila sa paligid ko. napagod na rin ako na patunayan lagi sa lahat na magaling ako kahit alam kong may masasabi pa rin sila sa bandang huli.

naisip kong hindi na ako nagiging masaya kaya ko naisipang maghanap ng malilipatan.

natuwa naman ako dahil hindi ako masyadong nahirapan na matanggap. salamat sa naginterbyu sa akin na matabang babae. siguro nakuha namin ang kiliti ng bawat isa kaya parang nagkuwentuhan lang kami. handa naman ako sa mga pangmiss universe na mga tanong kaya hindi na niya pinatagal ang interbyu. alam mo namang matatanggap ka kung sa bawat sagot mo ay nakangiti at puro tango ang nagiinterbyu sa iyo.

mapalad akong napunta sa isang madaling account. madaming tawag kaya mauubos laway mo pero pag nakasanayan ay kaya mong makipagusap at magawa ng tama kahit halos tulog ka na. madaming natatanggal o nalilipat pero masuwerte naman akong nakatagal hanggang maregular.

malaki ang naging papel ng aking mga naging kaibigan kaya ako tumagal at nananatili sa account namin. magagaling ang nagturo sa akin at talagang tinutukan nila ako hanggang sa masanay ako. mahirap maging call center virgin. buti na lang at hindi sila madamot na ituro ang alam nila.

may mga naging kaibigan din ako sa ibang team. mga naging katabi ng station o nakasabay sa break o nakakuwentuhan lang. mga kuwento habang walang tawag. mga kuwento kahit umaapaw sa tawag. mga tawanan na naitatago salamat sa mute button. napakabilis minsan ng oras at may mga oras namang parang buong araw sa haba.

sa paglipas ng mga araw at buwan, hindi ko namalayang madami na pala kaming napagsamahan. napakasayang isipin na sa loob ng isang taon ay may magyayaya sa iyo na maging ninong ng anak nila o kaya ay pumunta sa kasal o birthday o outing. mga kwentuhan na hindi natatapos sa office kundi natutuloy sa text o fb.

sa totoo lang, hindi ko inasahan na mageenjoy ako sa pagiging kolboy. hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako sa ganitong trabaho pero lagi akong nagpapasalamat na may nakilala akong mga bagong "friend", "mars", "gaga" at "bakla" na kahit kembot nang kembot ay hindi pa rin nakakalimutang chumorva chorva.

posted from Bloggeroid