Friday, May 31, 2013

ako si johnny - boypren from hell

aminado ako, mahirap akong maging boypren.

ako yung boypren na praning na mahuli ka lang ng limang minuto sa pinag-usapang oras ay kung anu-ano na ang iniisip at aasahan mo ang pagbaha ng text messages at missed calls.

ako yung boypren na nagpapaka-damsel-in-distress sa isang mataas na tore na binabantayan ng isang dragon na may dr. jekyll at mr. hyde na personality. oo ako nga ang male version ni princess fiona.

ako yung boypren na pag wala sa mood ay wala sa mood. kung gagamitin ko lang ang mga elemento ay magiging bato o bloke ng asin ang matingnan ko ng masama at nagiging fireballs ang bawat salitang binibitawan ko. puwede ring tatamaan ka ng kidlat o bubuka ang lupa sa ilalim mo at lalamunin ka.

ako yung boypren na tamad kung tamad na hindi iaangat ang isang daliri kung ayaw at hindi magiisip kung nagwewelga ang brain cells.

ako yung boypren na walang pakialam kung galit. ako ang laging tama. ako ang batas.

ako yung boypren na dapat laging nilalambing para maramdaman ko na mahal mo ako.

ako yung boypren na pikon na gumaganti at mahilig magtampo.

ako yung boypren na magdadalawang-isip kang ipakilala sa mga kaibigan mo dahil hindi ako mageeffort na makilala sila o kaya naman magpapakaplastik ako para malaman kung sino ang puwedeng umahas sa iyo o kung may itinatago ka ba sa akin.

*

hindi nakakapagtaka kung bakit single ako ng tatlong taon. at pagkatapos ng pakikipagkilala, pakikipaglandian, pakikipagdate at pakikipagsapalaran sa kawalan, may isang phat kid na nagkamali at nabulag.

sana hindi niya mapagtanto ang kanyang pagkakamali at hindi na luminaw ang kanyang mga mata kasi kawawa naman ako.

posted from Bloggeroid

Wednesday, May 22, 2013

Istro

totoo pala talaga yung sinasabi nilang "hate at first sight".

okay. fine. too harsh. "hindi ko siya feel at first sight" para mas nakakarelate. sigurado naman akong naexperience niyo na ito. yung tipong anino pa lang ang nakita niyo eh parang may konting kulo na sa dugo mo. sa pagsabi pa lang niya ng "hi" o "hello" sinasabi mo na kaagad sa sarili mo na hindi kayo magkakasundo. nagbabago ang ihip ng hangin pag nararamdaman mo ang presensya niya na parang may amoy na nakakasulasok. at kahit anong pilit mong ngumiti ay sapilitang bumibigat ang iyong pisngi na kailangan mong tumalikod para hindi niya makita ang pag-ismid mo kasama na ang pagroll ng eyes at pagkunot ng noo.

siguro may bahagi rin sa akin na nagsasabing "sana nagkakamali lang ako. na okay naman siyang tao. just give it time and give a chance." pero iba talaga ang gut feel ko.

at hindi ako nagkamali.

buti na lang at hindi pala ako nag-iisa at dumarami pa kami. na kahit alam naming masama na pag-usapan ang sino man pag nakatalikod siya ay hindi talaga namin maiwasan. na mula sa suot niyang damit na puwedeng maging sanhi ng pagkakakulong sa dami ng batas na nilabag hanggang sa pagkakamali sa kanyang grammar ay hindi nakakalampas sa aming radar.

ewan ko ba. ayaw ko lang talaga sa taong epal. ayaw ko sa taong akala mo kung sino pero wala namang ibubuga. at lalong ayaw ko sa taong ang talento ay ang humigop, sumipsip at maging alulod sa boss para makuha ang gusto. na ayos lang na pulang-pula ang stats at walang naibabahagi sa team niyo pero sa bandang huli siya ang binibigyan ng pabor. siya ang maganda ang schedule. oo siya na.

bakit nga ba madami ang tulad nila sa mundo..

na ikaw na nagsusumikap at nagttrabaho nang maayos ay naaapektuhan na dahil hindi mo maitanggi sa sa iyong sarili ang mga nangyayari. na okay pa sana pero hindi na kakayanin ng tenga mo dahil nagmamalaki pa siya.


hayaan niyo na lang akong ilabas ang lahat ng ito dito.

at siguro mapapalampas ko ang ginagawa niya sa ngayon pero huwag lang niyang subukan na banggain ako o ang mga kaibigan ko. ibang usapan na iyon.

posted from Bloggeroid

Sunday, May 19, 2013

Break-up

*expletive expletive
BREAK NA TAYO!
and the door went BLAGH!!!

honestly, i didn't see it coming but i guess it was meant to happen.

and no matter how many times i replay it in my head, during that particular moment when i could've just kept my mouth shut or just left the house to go to work or just stopped...but i didn't.

phat kid was right. i know how to push the right buttons to make him angry. i know what strings to pull so he'll lose his patience. i know how to construct the perfect sentence to push him to his limits.

and i used it. consciously or unconsciously.

i know him very well. so well that i always have a gut feel whenever something is not right with him.

that night, i went to work not thinking what has happened. denial perhaps. or plain numbness. or i knew we will work it out after we have cooled down. of course we had countless of fights or petty quarrels. the only difference with this one was he declared break-up. which took me by surprise because all this time he kept on saying that i'm the vulnerable one and that i'll be the one to give up.

but i guess at the end of the day, what's important is that he comes running back to you and no matter how many times you hear the words "i'm sorry" like a broken record, it still works like magic and you work things out.

phat kid and i still have a lot of things to figure out. we learned and still learning a lot from one another. heck, we were like high school kids when we decided to try again, just banking on our feelings and faith.

feelings and faith. i kept on staring at these two words. and something inside tells me that we will be okay.

posted from Bloggeroid

Tuesday, May 14, 2013

Kape

habang naghihintay sa aking kapatid na nanonood ng concert naisipan kong uminom ng kape. napagod na rin kasi ako sa kakalakad sa loob ng mall.

halos puno ang dating tambayan ng aking mga kaibigan. masuwerte akong nakatiyempo ng bakanteng mesa sa kabila ng dami ng mga taong gumagamit ng laptop at tablet. nakakapansin lang na kung sino pa ang mga nakikigamit ng kuryente at wi-fi ay sila pa ang walang iniinom o kinakain. mga tao nga naman.

sa labas kung saan nakatambay ang mga nagyoyosi napansin ko ang isang grupo ng mga berdugo (berde ang dugo). sa dami nila ay pinagdikit na lang nila ang dalawang mesa bago nagsiupo. sa pagitan ng kuwentuhan at tawanan may dumating pa silang kasama na nakipagbeso-beso sa kanilang lahat. maya-maya class picture naman.

ganito rin kami ng aking mga becky friends sa tuwing nagkikita-kita. noong umpisa halos linggo-linggo kaming kumakain sa labas na nauuwi sa pagtambay at pag-inom ng kape. hindi nauubusan ng kuwento at may mga gabing kami na ang nagsasara ng coffee shop. birthday, monthsary, bagong relasyon, bagong break-up o kung ano man, kain at kape ang katapat.

sa paglipas ng mga taon, mahigit pitong taon, nagkikita-kita pa rin kami. minsan planado pero madalas pag tinotopak lang o kaya pag umuuwi yung isang nakabase na sa ibang bansa.

kasi madalas hindi nagpaparamdam dahil busy sa isa o dalawang bagay - trabaho o/at jowa.

na naiintindihan naming lahat kahit minsan hindi maiiwasang magtampo o malungkot.

ang dating masayang anim (o higit pa kung kasama ang mga jowa) na regular na laman ng coffee shop ay bumaba na lang sa dalawa. minsan solo flight ka pa.

ngayong may phat kid na ako, alam kong madalas solo flight ang isa kong kaibigan. busy man siya lagi sa trabaho, siguro minsan nagkakape pa rin siya dito. at tulad ko, pinanonood din niya ang ibang nakatambay, nakikigamit ng kuryente at wi-fi, mga becky na may clan meeting, at eyeball.

pero alam kong mas magaling siyang gumawa ng kuwento sa akin.

posted from Bloggeroid

Monday, May 13, 2013

Paalam 28

Hindi naman ako fashionista pero alam ko ang babagay sa akin. Suwerte rin ako pag namimili ng damit dahil kaagad akong nakakakita ng gusto ko. Noong magkasama pa kami sa apartment ng kapatid kong babae, lagi niya akong isinasama sa kanyang shopping spree. Nasanay na akong maghanap ng mga damit para sa kanya isama mo na rin ang sapatos, bag, sandals at iba pang accessories.

Hindi ako tulad ng kapatid ko na kayang tumagal ng tatlong buwan na hindi nag-uulit ng damit. Hindi rin kasi malawak ang aking koleksyon. Isa pang dahilan ay gusto kong inuulit ang mga isinusuot ko. Yung tipong isinuot ko pa lang last week at kakalaba pa lang ay gusto na ulit gamitin. Ganun talaga kung may paborito ka sa mga damit o mga gamit mo.

Pero ang nakapagtataka at nakatutuwa ay hindi pansin ng mga tao sa paligid ko na may paborito akong mga isinusuot. Minsan tinatanong pa nila kung bago yung suot ko. Siguro, wala naman talaga sa isinusuot yan; nasa nagdadala.

Nung isang araw pinili kong isuot yung isa kong pantalon na hindi ko masyadong ginagamit. Patay. Masikip na. Wala na ang 28 na waistline. Paalam na sa sexy na katawan.

Puwede pa naman pero may konting hirap sa paghinga. May isusuot nga pero paano kung mahirap nang dalhin?

Salamat kay phat kid, mahihirapan yata akong magdiet.

posted from Bloggeroid

Friday, May 10, 2013

dukot

nung isang gabi muntik na akong madukutan. o sa pakakaalam ko ganun nga ang nangyari.

bihira akong sumakay ng airconditioned bus dito sa manila. mas gusto ko yung mabilis magpatakbo na liliparin ang buhok ko kahit kalbo ako na mapapakapit ka habang nagdarasal na "aircontinuous" na libre hard massage na killer bus.

kasi hindi ako makakatulog sa ganitong klaseng bus. kasi kaagad akong nakakarating sa aking pupuntahan pero huwag muna sa langit. kasi sa tingin ko mas konti ang holdaper at mandurukot sa aircontinuous bus.

naisip ko na napakacheap mo namang holdaper o mandurukot kung pupuntiryahin mo ay ordinary bus. siyempre "ordinaryong" tao lang ang mga nakasaky dun kaya anong mapapala mo? di tulad sa aircon bus na gustung-gusto ng mga ayaw mainitan na mas mataas ang suweldo na mas magaganda ang mga gamit.

oo na. di naman lahat. hehe.

edi nakasakay nga ako ng halos lumilipad sa ere na bus nung isang gabi pauwi. hindi ako naglabas ng phone o wallet sa haba ng biyahe dahil wala akong itetext at may barya naman ako sa bulsa ng aking bag.

kung mapapansin niyo, dalawa ang pinto ng killer bus - minsan isa sa bandang unahan at isa sa gitna o kaya ay dalawa sa bandang gitna. yung sinakyan ko dalawa ang pinto sa bandang gitna.

tumayo na ako nang mapansin kong malapit na ako sa babaan. kasi ang mga ganitong uri ng bus wala man tatlong segundo sa paghinto ay aarangkada na kaagad. depende kung ang bababa ay matanda, buntis o may kasamang bata. depende kung bawal magbaba dun sa lugar. at kung natatae na si manong drayber.

sa aking pagtayo at pagpunta sa may pinto, may isang lalaking nauna sa akin at lumugar na mismo doon sa hagdan. may isa ring lalaki sa likod ko. nandun kaming tatlo sa kanang pinto ng bus. lumipat ako dun sa kaliwang pinto dahil wala namang nakapila doon at para kaagad akong makababa.

eto na. si kuya na nasa harap ko ay nagacrobat at nagswing mula sa kanang pinto papunta sa kaliwang pinto. mabilis niyang nagawa yun na halatang praktisado at natrain si kuya sa circus. sa puntong iyon ay napaisip ako kung bakit niya ginawa yun eh hindi rin naman siya mukhang stuntman.

kumabog ang dibdib ko nang mapansin kong si kuya na nasa likod ko kanina ay nasa likod ko ulit at walang tao sa kanang pinto ng bus at si kuya na nasa harap ko ay mukhang walang balak bumaba.

sumigaw ako ng "boss para! may diyosa na bababa!!!" o kung ano man ang nasabi ko nun na di ko masyadong maalala at nagpumilit na ipagsiksikan ang sarili ko para lang makababa. buti na lang at payat si kuya kaya hindi niya sakop yung buong pinto. mas malaki rin katawan ko kaya wala rin siyang nagawa.

nakababa ako ng bus na walang nakuha sa akin. salamat sa aking mga anghel at sa langit.

naikuwento ko kay phat kid ang mga nangyari. sabi ko sa kanya na bakit nila ako dudukutan eh mukha naman akong mahirap, hampas-lupa, anak-pawis, pesantes at aba..

sagot niya, "kasi ang jowa mo mayaman kaya nagmumukha ka na ring mayaman."

posted from Bloggeroid

Monday, May 6, 2013

kolboy

sabi nga nila, tatagal ka sa iyong trabaho dahil sa mga kasama mo.

mahigit isang taon na nung sinubukan kong pasukin ang pagiging kolboy. nung umpisa, wala lang, gusto ko lang masubukan.

pero naisip ko na kaya ko sinubukan dahil gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko at makaalis sa di magandang kapaligiran ng aking trabaho. siguro napuno na ako sa mga mapanghusgang mata at makakating dila sa paligid ko. napagod na rin ako na patunayan lagi sa lahat na magaling ako kahit alam kong may masasabi pa rin sila sa bandang huli.

naisip kong hindi na ako nagiging masaya kaya ko naisipang maghanap ng malilipatan.

natuwa naman ako dahil hindi ako masyadong nahirapan na matanggap. salamat sa naginterbyu sa akin na matabang babae. siguro nakuha namin ang kiliti ng bawat isa kaya parang nagkuwentuhan lang kami. handa naman ako sa mga pangmiss universe na mga tanong kaya hindi na niya pinatagal ang interbyu. alam mo namang matatanggap ka kung sa bawat sagot mo ay nakangiti at puro tango ang nagiinterbyu sa iyo.

mapalad akong napunta sa isang madaling account. madaming tawag kaya mauubos laway mo pero pag nakasanayan ay kaya mong makipagusap at magawa ng tama kahit halos tulog ka na. madaming natatanggal o nalilipat pero masuwerte naman akong nakatagal hanggang maregular.

malaki ang naging papel ng aking mga naging kaibigan kaya ako tumagal at nananatili sa account namin. magagaling ang nagturo sa akin at talagang tinutukan nila ako hanggang sa masanay ako. mahirap maging call center virgin. buti na lang at hindi sila madamot na ituro ang alam nila.

may mga naging kaibigan din ako sa ibang team. mga naging katabi ng station o nakasabay sa break o nakakuwentuhan lang. mga kuwento habang walang tawag. mga kuwento kahit umaapaw sa tawag. mga tawanan na naitatago salamat sa mute button. napakabilis minsan ng oras at may mga oras namang parang buong araw sa haba.

sa paglipas ng mga araw at buwan, hindi ko namalayang madami na pala kaming napagsamahan. napakasayang isipin na sa loob ng isang taon ay may magyayaya sa iyo na maging ninong ng anak nila o kaya ay pumunta sa kasal o birthday o outing. mga kwentuhan na hindi natatapos sa office kundi natutuloy sa text o fb.

sa totoo lang, hindi ko inasahan na mageenjoy ako sa pagiging kolboy. hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako sa ganitong trabaho pero lagi akong nagpapasalamat na may nakilala akong mga bagong "friend", "mars", "gaga" at "bakla" na kahit kembot nang kembot ay hindi pa rin nakakalimutang chumorva chorva.

posted from Bloggeroid

Thursday, May 2, 2013

Inday

kahapon habang pawisan akong nagbubunot ng kuwarto, naalala ko si inday. si inday na laging dahilan ng nosebleed ng kanyang amo. si inday na graduate ng harvard na sa bawat tanong ng kanyang madamme ay ingles ang sagot at napakaprofound pa. si inday na nung natutong magingles ang amo ay marunong din ng espanyol. si inday na tinapatan ni dudong na malalim naman kung managalog.

dati araw-araw akong nakakatanggap ng group message tungkol kay inday.

bakit ko nga ba siya naisip?

kasi minsan tinanong ako ni phat kid kung pakiramdam ko raw ba ay isa akong katulong dito sa bahay niya.

oo naman. isa akong hamak na aliping saguiguilid na naninilbihan sa amo kong prinsipe.

pero ako ang pinakasosyal at pinakasuwerteng alipin sa buong mundo.

ako lang ang aliping hinahatid at sinusundo sa isa ko pang trabaho; pinapakain ng masarap at natutulog sa kuwartong naka-aircon; dinadalhan ng pasalubong at binibilhan ng mga bagay na hindi ko maisip bilhin.

ako lang siguro ang aliping may itouch at s3.

eat your heart out inday.

posted from Bloggeroid

Wednesday, May 1, 2013

Utak. Utak

si phat kid nahuhumaling sa zombie tsunami at naglalaro pa rin ng plants vs. zombies.

masipag pa rin akong nagtatanim at nagiinvade sa aking zombie farm.

tinapos na namin ang tatlong seasons ng the walking dead at ngayon wala na kaming masubaybayan.

salamat sa graveyard shift, madalas hindi bampira ang tingin ko sa sarili ko kundi zombie.

hindi naman kami bored. masyado lang umikot sa mga zombie ang buhay namin ngayong mga nagdaang buwan. makakaget-over din kami sa mga yan.

sandali lang. maghaharvest at magiinvade muna ako.
posted from Bloggeroid