Wednesday, May 22, 2013

Istro

totoo pala talaga yung sinasabi nilang "hate at first sight".

okay. fine. too harsh. "hindi ko siya feel at first sight" para mas nakakarelate. sigurado naman akong naexperience niyo na ito. yung tipong anino pa lang ang nakita niyo eh parang may konting kulo na sa dugo mo. sa pagsabi pa lang niya ng "hi" o "hello" sinasabi mo na kaagad sa sarili mo na hindi kayo magkakasundo. nagbabago ang ihip ng hangin pag nararamdaman mo ang presensya niya na parang may amoy na nakakasulasok. at kahit anong pilit mong ngumiti ay sapilitang bumibigat ang iyong pisngi na kailangan mong tumalikod para hindi niya makita ang pag-ismid mo kasama na ang pagroll ng eyes at pagkunot ng noo.

siguro may bahagi rin sa akin na nagsasabing "sana nagkakamali lang ako. na okay naman siyang tao. just give it time and give a chance." pero iba talaga ang gut feel ko.

at hindi ako nagkamali.

buti na lang at hindi pala ako nag-iisa at dumarami pa kami. na kahit alam naming masama na pag-usapan ang sino man pag nakatalikod siya ay hindi talaga namin maiwasan. na mula sa suot niyang damit na puwedeng maging sanhi ng pagkakakulong sa dami ng batas na nilabag hanggang sa pagkakamali sa kanyang grammar ay hindi nakakalampas sa aming radar.

ewan ko ba. ayaw ko lang talaga sa taong epal. ayaw ko sa taong akala mo kung sino pero wala namang ibubuga. at lalong ayaw ko sa taong ang talento ay ang humigop, sumipsip at maging alulod sa boss para makuha ang gusto. na ayos lang na pulang-pula ang stats at walang naibabahagi sa team niyo pero sa bandang huli siya ang binibigyan ng pabor. siya ang maganda ang schedule. oo siya na.

bakit nga ba madami ang tulad nila sa mundo..

na ikaw na nagsusumikap at nagttrabaho nang maayos ay naaapektuhan na dahil hindi mo maitanggi sa sa iyong sarili ang mga nangyayari. na okay pa sana pero hindi na kakayanin ng tenga mo dahil nagmamalaki pa siya.


hayaan niyo na lang akong ilabas ang lahat ng ito dito.

at siguro mapapalampas ko ang ginagawa niya sa ngayon pero huwag lang niyang subukan na banggain ako o ang mga kaibigan ko. ibang usapan na iyon.

posted from Bloggeroid

2 comments:

  1. may feeling ako na call center agent ka rin ;-) okay lang yan.

    ReplyDelete
  2. Haha. Yeah. Call(center)boy ako. Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete