Monday, May 13, 2013

Paalam 28

Hindi naman ako fashionista pero alam ko ang babagay sa akin. Suwerte rin ako pag namimili ng damit dahil kaagad akong nakakakita ng gusto ko. Noong magkasama pa kami sa apartment ng kapatid kong babae, lagi niya akong isinasama sa kanyang shopping spree. Nasanay na akong maghanap ng mga damit para sa kanya isama mo na rin ang sapatos, bag, sandals at iba pang accessories.

Hindi ako tulad ng kapatid ko na kayang tumagal ng tatlong buwan na hindi nag-uulit ng damit. Hindi rin kasi malawak ang aking koleksyon. Isa pang dahilan ay gusto kong inuulit ang mga isinusuot ko. Yung tipong isinuot ko pa lang last week at kakalaba pa lang ay gusto na ulit gamitin. Ganun talaga kung may paborito ka sa mga damit o mga gamit mo.

Pero ang nakapagtataka at nakatutuwa ay hindi pansin ng mga tao sa paligid ko na may paborito akong mga isinusuot. Minsan tinatanong pa nila kung bago yung suot ko. Siguro, wala naman talaga sa isinusuot yan; nasa nagdadala.

Nung isang araw pinili kong isuot yung isa kong pantalon na hindi ko masyadong ginagamit. Patay. Masikip na. Wala na ang 28 na waistline. Paalam na sa sexy na katawan.

Puwede pa naman pero may konting hirap sa paghinga. May isusuot nga pero paano kung mahirap nang dalhin?

Salamat kay phat kid, mahihirapan yata akong magdiet.

posted from Bloggeroid

1 comment:

  1. Madalas ang mga in love, tumataba! haha at 28 na waist line! Grabe naman yan!

    ReplyDelete