Sunday, August 11, 2013

percy

"nasa car na ako. punta ka na dito."

at mabilis pa sa kidlat akong tumakbo patungo sa parking lot sa labas ng mall. wala akong pakialam kung may madapa o may mabangga basta takbo na lang hanggang makalabas. galing pa ako sa kabilang dulo kung saan nandoon ang bookstore na pinagtambayan ko ng ilang minuto.

pagkalabas ko ay tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang. kulang na kasi ako sa cardio kaya hiningal. ayaw ko ring makita niya akong pinagpapawisan kahit galing lang ako sa lamig-tundra ng mall. di na rin naman malayo kung saan siya nagpark.

habang papalapit sa sasakyan niya, nag-iisip ako ng sasabihin. hindi ko alam kung itutuloy namin ang sagutan o uuwi na lang na walang kibuan. mag-aaway o maghihiwalay. ewan ko. nagkatampuhan na naman kasi kami kanina.

ako kasi ang pinakapraning sa lahat ng naging boyfriend niya.

alam ko mali. na hindi nakakatulong sa relasyon namin lalo na pitong buwan pa lang kami pero ganun lang talaga siguro ako. at kahit ilang milyong beses niyang sabihin na walang magkakagusto sa matabang tulad niya, hindi ako naniniwala. kahit ipagpilitan niyang ang hanap ng majority ng mga becky ay gym fit, hindi ko maiiwasang mag-alala na may lumalandi sa kanya. oo, selfish talaga ako. madrama pa.

na minsan ikinatutuwa niya dahil ayaw ko siyang mawala sa akin. yun nga lang, nakakapikon pag sumobra. at natiyempuhang napuno siya noong araw na iyon na papunta kami ng mall para manood sana ng sine.

"inaway mo na naman ako."

kasalanan ko naman kasi eh. at kahit hindi ko kasalanan ay yan pa rin ang sasabihin niya. para kunwari siya lagi ang inaapi. siya lagi ang kawawa.

"akala mo madadala mo ako sa ballpen."

wala naman akong magawa nung iniwan niya ako sa loob ng mall sa bilis ng kanyang lakad kaya nagpunta na lang ako ng bookstore para bumili ng ballpen. yung mura lang pero maayos ang sulat. bumili ako ng tatlo kasi baka kung saan-saan niya mailagay at makalimutan. okay na yung beinte pesos para sa tatlo. akala ko nga wala na yung mumurahin. madami pa naman palang mapagpipilian.

"kasi naman eh.." yun lang ang nasabi ko.

matapos ang ilang minuto ay bumalik na kami sa mall. hinihintay na kami ni percy.

posted from Bloggeroid

Wednesday, June 26, 2013

mula sa simula

hindi ko na nabilang kung iilan na ang mga lalaking dumaan sa buhay ko bago ko nakilala si phat kid. aaminin kong madami sila.

salamat sa friendster, mirc, mychat, downelink, guys4men na naging planetromeo at mga nagsulputang clan, napakadami kong nakilala. mula sa balikat ko lang ang height hanggang sa 6-footer; patpatin, may konting laman, may six packs na gym fit, at chubby; maputing natural at salamat sa gluta, kayumanggi at negrito; small, average, at large. pisikal pa lang yan.

nakipagkilala ako. nakipageyeball. breakfast, lunch, dinner at coffee date. nakipagSEB. nakapunta na rin ako ng GEB.

hindi ko na nabilang kung ilang beses akong umasa at nagpaasa; bumitaw at binitawan; nang-iwan at iniwan; nanakit at nasaktan. may mga pagkakataong sinabi ko na ayaw ko na. single na ako for life. magmomongha na lang ako. pero makalipas ang ilang araw o lingo o buwan, mag-uupdate lang ako ng profile at sige na naman.

online ako noon sa planetromeo, nagtitingin ng mga mukha, chest, abs, puwet at bukol sa underwear nang makita ko ang profile ni phat kid. mukhang masayahing tao na hindi ako mabobore na may sense kausap. sige subukan natin. ang sabi ko sa sarili ko. *message sent

matagal din bago namin nagawang magkita mula nang ipadala ko ang unang message ko sa kanya pero ayos lang. hindi ko na nga maalala kung ano ang naisulat ko dun sa message na yun pero buti na lang at napansin niya ako.

posted from Bloggeroid

Wednesday, June 19, 2013

waiting shed

sa mahigit na dalawang buwan na pagsasama namin ni phat kid, ngayon na lang kami ulit nagkahiwalay.

at ganito pala ang pakiramdam.

tatlong linggo lang naman pero bakit parang ang tagal. yung kailangan ko pang lagyan ng ekis yung kalendaryo. yung pakiramdam na dumodoble ang mga oras ng paghihintay. yung humahanap ako ng mga puwedeng gawin para hindi ako mainip.

nasanay na talaga ko.

pero sabi nga niya, sandali lang yan. minsan lang naman umuwi pamilya niya kaya alam kong sinusulit nila ang tatlong linggo.

at naisip ko rin. siguro hindi pa rin ako handang makilala ang mga magulang ni phat kid. nakilala ko na ang kapatid niyang babae at napakabait niya. alam kong ganun din ang kanyang mga magulang. kailangan lang maghintay ng tamang panahon.

sandali lang yan.

posted from Bloggeroid

Tuesday, June 4, 2013

Tik tok

8:59 na. log in na naman at mag-uumpisa na naman ang isang araw ng pagsagot ng mga tawag mula sa kabilang bahagi ng mundo. kakapindot pa lang ng auto in ay titingnan na kaagad ang oras ng unang break. pag bibo ang mga amerikano, lunok-laway lang ang pahinga. pag walang sale o busy sila sa mga buhay nila, mababagot ka naman sa paghihintay. kung puwede lang hilahin ang oras para logout na at makauwi.

akalain mo june na nga at mangangalahati na ang taon. parang kahapon lang tumalon-talon tayo nang salubungin natin ang 2013. parang nung isang araw lang naging tayo. parang nung isang linggo lang nung lumipat ako sa bahay mo at nagsama tayo. kung puwede lang pahabain ang oras sa mga panahong magkasama tayo.

siguro ako lang ang nalulungkot na magkakahiwalay tayo ng tatlong linggo. siyempre makakasama mo ang pamilya mo pagkatapos ng ilang buwan. madami kayong nakaplanong puntahan na hindi mo na alam kung paano didiskartehan ang schedule mo. magiging busy ka sa panahon na yun.

masaya ako para sa iyo. alam ko kung gaano mo namimiss ang pamilya mo. alam ko kung gaano mo sila kamahal. katulad din ng pagmamahal ko sa pamilya ko.

noon nga laging gusto kong umuwi ng probinsya. kung puwede lang kumpleto lagi ang pamilya - kumakain, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. kung puwede lang tatlong araw ang weekend o mas mahaba ang christmas break o holy week para mas matagal ko silang makasama.

sa pagkakahiwalay natin ngayong buwan na ito, wala pa akong naiisip gawin sa mga oras na sana magkasama tayo. may mapplano naman siguro ako pero sa ngayon wala pa talaga. napakatagal ng tatlong linggo at kung puwede lang pabilisin ang orasan o ang pag-ikot ng mundo sa kanyang axis para makasama na kita ulit.

pero marunong din akong maghintay. at yun ang gagawin ko.

posted from Bloggeroid

Friday, May 31, 2013

ako si johnny - boypren from hell

aminado ako, mahirap akong maging boypren.

ako yung boypren na praning na mahuli ka lang ng limang minuto sa pinag-usapang oras ay kung anu-ano na ang iniisip at aasahan mo ang pagbaha ng text messages at missed calls.

ako yung boypren na nagpapaka-damsel-in-distress sa isang mataas na tore na binabantayan ng isang dragon na may dr. jekyll at mr. hyde na personality. oo ako nga ang male version ni princess fiona.

ako yung boypren na pag wala sa mood ay wala sa mood. kung gagamitin ko lang ang mga elemento ay magiging bato o bloke ng asin ang matingnan ko ng masama at nagiging fireballs ang bawat salitang binibitawan ko. puwede ring tatamaan ka ng kidlat o bubuka ang lupa sa ilalim mo at lalamunin ka.

ako yung boypren na tamad kung tamad na hindi iaangat ang isang daliri kung ayaw at hindi magiisip kung nagwewelga ang brain cells.

ako yung boypren na walang pakialam kung galit. ako ang laging tama. ako ang batas.

ako yung boypren na dapat laging nilalambing para maramdaman ko na mahal mo ako.

ako yung boypren na pikon na gumaganti at mahilig magtampo.

ako yung boypren na magdadalawang-isip kang ipakilala sa mga kaibigan mo dahil hindi ako mageeffort na makilala sila o kaya naman magpapakaplastik ako para malaman kung sino ang puwedeng umahas sa iyo o kung may itinatago ka ba sa akin.

*

hindi nakakapagtaka kung bakit single ako ng tatlong taon. at pagkatapos ng pakikipagkilala, pakikipaglandian, pakikipagdate at pakikipagsapalaran sa kawalan, may isang phat kid na nagkamali at nabulag.

sana hindi niya mapagtanto ang kanyang pagkakamali at hindi na luminaw ang kanyang mga mata kasi kawawa naman ako.

posted from Bloggeroid

Wednesday, May 22, 2013

Istro

totoo pala talaga yung sinasabi nilang "hate at first sight".

okay. fine. too harsh. "hindi ko siya feel at first sight" para mas nakakarelate. sigurado naman akong naexperience niyo na ito. yung tipong anino pa lang ang nakita niyo eh parang may konting kulo na sa dugo mo. sa pagsabi pa lang niya ng "hi" o "hello" sinasabi mo na kaagad sa sarili mo na hindi kayo magkakasundo. nagbabago ang ihip ng hangin pag nararamdaman mo ang presensya niya na parang may amoy na nakakasulasok. at kahit anong pilit mong ngumiti ay sapilitang bumibigat ang iyong pisngi na kailangan mong tumalikod para hindi niya makita ang pag-ismid mo kasama na ang pagroll ng eyes at pagkunot ng noo.

siguro may bahagi rin sa akin na nagsasabing "sana nagkakamali lang ako. na okay naman siyang tao. just give it time and give a chance." pero iba talaga ang gut feel ko.

at hindi ako nagkamali.

buti na lang at hindi pala ako nag-iisa at dumarami pa kami. na kahit alam naming masama na pag-usapan ang sino man pag nakatalikod siya ay hindi talaga namin maiwasan. na mula sa suot niyang damit na puwedeng maging sanhi ng pagkakakulong sa dami ng batas na nilabag hanggang sa pagkakamali sa kanyang grammar ay hindi nakakalampas sa aming radar.

ewan ko ba. ayaw ko lang talaga sa taong epal. ayaw ko sa taong akala mo kung sino pero wala namang ibubuga. at lalong ayaw ko sa taong ang talento ay ang humigop, sumipsip at maging alulod sa boss para makuha ang gusto. na ayos lang na pulang-pula ang stats at walang naibabahagi sa team niyo pero sa bandang huli siya ang binibigyan ng pabor. siya ang maganda ang schedule. oo siya na.

bakit nga ba madami ang tulad nila sa mundo..

na ikaw na nagsusumikap at nagttrabaho nang maayos ay naaapektuhan na dahil hindi mo maitanggi sa sa iyong sarili ang mga nangyayari. na okay pa sana pero hindi na kakayanin ng tenga mo dahil nagmamalaki pa siya.


hayaan niyo na lang akong ilabas ang lahat ng ito dito.

at siguro mapapalampas ko ang ginagawa niya sa ngayon pero huwag lang niyang subukan na banggain ako o ang mga kaibigan ko. ibang usapan na iyon.

posted from Bloggeroid

Sunday, May 19, 2013

Break-up

*expletive expletive
BREAK NA TAYO!
and the door went BLAGH!!!

honestly, i didn't see it coming but i guess it was meant to happen.

and no matter how many times i replay it in my head, during that particular moment when i could've just kept my mouth shut or just left the house to go to work or just stopped...but i didn't.

phat kid was right. i know how to push the right buttons to make him angry. i know what strings to pull so he'll lose his patience. i know how to construct the perfect sentence to push him to his limits.

and i used it. consciously or unconsciously.

i know him very well. so well that i always have a gut feel whenever something is not right with him.

that night, i went to work not thinking what has happened. denial perhaps. or plain numbness. or i knew we will work it out after we have cooled down. of course we had countless of fights or petty quarrels. the only difference with this one was he declared break-up. which took me by surprise because all this time he kept on saying that i'm the vulnerable one and that i'll be the one to give up.

but i guess at the end of the day, what's important is that he comes running back to you and no matter how many times you hear the words "i'm sorry" like a broken record, it still works like magic and you work things out.

phat kid and i still have a lot of things to figure out. we learned and still learning a lot from one another. heck, we were like high school kids when we decided to try again, just banking on our feelings and faith.

feelings and faith. i kept on staring at these two words. and something inside tells me that we will be okay.

posted from Bloggeroid

Tuesday, May 14, 2013

Kape

habang naghihintay sa aking kapatid na nanonood ng concert naisipan kong uminom ng kape. napagod na rin kasi ako sa kakalakad sa loob ng mall.

halos puno ang dating tambayan ng aking mga kaibigan. masuwerte akong nakatiyempo ng bakanteng mesa sa kabila ng dami ng mga taong gumagamit ng laptop at tablet. nakakapansin lang na kung sino pa ang mga nakikigamit ng kuryente at wi-fi ay sila pa ang walang iniinom o kinakain. mga tao nga naman.

sa labas kung saan nakatambay ang mga nagyoyosi napansin ko ang isang grupo ng mga berdugo (berde ang dugo). sa dami nila ay pinagdikit na lang nila ang dalawang mesa bago nagsiupo. sa pagitan ng kuwentuhan at tawanan may dumating pa silang kasama na nakipagbeso-beso sa kanilang lahat. maya-maya class picture naman.

ganito rin kami ng aking mga becky friends sa tuwing nagkikita-kita. noong umpisa halos linggo-linggo kaming kumakain sa labas na nauuwi sa pagtambay at pag-inom ng kape. hindi nauubusan ng kuwento at may mga gabing kami na ang nagsasara ng coffee shop. birthday, monthsary, bagong relasyon, bagong break-up o kung ano man, kain at kape ang katapat.

sa paglipas ng mga taon, mahigit pitong taon, nagkikita-kita pa rin kami. minsan planado pero madalas pag tinotopak lang o kaya pag umuuwi yung isang nakabase na sa ibang bansa.

kasi madalas hindi nagpaparamdam dahil busy sa isa o dalawang bagay - trabaho o/at jowa.

na naiintindihan naming lahat kahit minsan hindi maiiwasang magtampo o malungkot.

ang dating masayang anim (o higit pa kung kasama ang mga jowa) na regular na laman ng coffee shop ay bumaba na lang sa dalawa. minsan solo flight ka pa.

ngayong may phat kid na ako, alam kong madalas solo flight ang isa kong kaibigan. busy man siya lagi sa trabaho, siguro minsan nagkakape pa rin siya dito. at tulad ko, pinanonood din niya ang ibang nakatambay, nakikigamit ng kuryente at wi-fi, mga becky na may clan meeting, at eyeball.

pero alam kong mas magaling siyang gumawa ng kuwento sa akin.

posted from Bloggeroid

Monday, May 13, 2013

Paalam 28

Hindi naman ako fashionista pero alam ko ang babagay sa akin. Suwerte rin ako pag namimili ng damit dahil kaagad akong nakakakita ng gusto ko. Noong magkasama pa kami sa apartment ng kapatid kong babae, lagi niya akong isinasama sa kanyang shopping spree. Nasanay na akong maghanap ng mga damit para sa kanya isama mo na rin ang sapatos, bag, sandals at iba pang accessories.

Hindi ako tulad ng kapatid ko na kayang tumagal ng tatlong buwan na hindi nag-uulit ng damit. Hindi rin kasi malawak ang aking koleksyon. Isa pang dahilan ay gusto kong inuulit ang mga isinusuot ko. Yung tipong isinuot ko pa lang last week at kakalaba pa lang ay gusto na ulit gamitin. Ganun talaga kung may paborito ka sa mga damit o mga gamit mo.

Pero ang nakapagtataka at nakatutuwa ay hindi pansin ng mga tao sa paligid ko na may paborito akong mga isinusuot. Minsan tinatanong pa nila kung bago yung suot ko. Siguro, wala naman talaga sa isinusuot yan; nasa nagdadala.

Nung isang araw pinili kong isuot yung isa kong pantalon na hindi ko masyadong ginagamit. Patay. Masikip na. Wala na ang 28 na waistline. Paalam na sa sexy na katawan.

Puwede pa naman pero may konting hirap sa paghinga. May isusuot nga pero paano kung mahirap nang dalhin?

Salamat kay phat kid, mahihirapan yata akong magdiet.

posted from Bloggeroid

Friday, May 10, 2013

dukot

nung isang gabi muntik na akong madukutan. o sa pakakaalam ko ganun nga ang nangyari.

bihira akong sumakay ng airconditioned bus dito sa manila. mas gusto ko yung mabilis magpatakbo na liliparin ang buhok ko kahit kalbo ako na mapapakapit ka habang nagdarasal na "aircontinuous" na libre hard massage na killer bus.

kasi hindi ako makakatulog sa ganitong klaseng bus. kasi kaagad akong nakakarating sa aking pupuntahan pero huwag muna sa langit. kasi sa tingin ko mas konti ang holdaper at mandurukot sa aircontinuous bus.

naisip ko na napakacheap mo namang holdaper o mandurukot kung pupuntiryahin mo ay ordinary bus. siyempre "ordinaryong" tao lang ang mga nakasaky dun kaya anong mapapala mo? di tulad sa aircon bus na gustung-gusto ng mga ayaw mainitan na mas mataas ang suweldo na mas magaganda ang mga gamit.

oo na. di naman lahat. hehe.

edi nakasakay nga ako ng halos lumilipad sa ere na bus nung isang gabi pauwi. hindi ako naglabas ng phone o wallet sa haba ng biyahe dahil wala akong itetext at may barya naman ako sa bulsa ng aking bag.

kung mapapansin niyo, dalawa ang pinto ng killer bus - minsan isa sa bandang unahan at isa sa gitna o kaya ay dalawa sa bandang gitna. yung sinakyan ko dalawa ang pinto sa bandang gitna.

tumayo na ako nang mapansin kong malapit na ako sa babaan. kasi ang mga ganitong uri ng bus wala man tatlong segundo sa paghinto ay aarangkada na kaagad. depende kung ang bababa ay matanda, buntis o may kasamang bata. depende kung bawal magbaba dun sa lugar. at kung natatae na si manong drayber.

sa aking pagtayo at pagpunta sa may pinto, may isang lalaking nauna sa akin at lumugar na mismo doon sa hagdan. may isa ring lalaki sa likod ko. nandun kaming tatlo sa kanang pinto ng bus. lumipat ako dun sa kaliwang pinto dahil wala namang nakapila doon at para kaagad akong makababa.

eto na. si kuya na nasa harap ko ay nagacrobat at nagswing mula sa kanang pinto papunta sa kaliwang pinto. mabilis niyang nagawa yun na halatang praktisado at natrain si kuya sa circus. sa puntong iyon ay napaisip ako kung bakit niya ginawa yun eh hindi rin naman siya mukhang stuntman.

kumabog ang dibdib ko nang mapansin kong si kuya na nasa likod ko kanina ay nasa likod ko ulit at walang tao sa kanang pinto ng bus at si kuya na nasa harap ko ay mukhang walang balak bumaba.

sumigaw ako ng "boss para! may diyosa na bababa!!!" o kung ano man ang nasabi ko nun na di ko masyadong maalala at nagpumilit na ipagsiksikan ang sarili ko para lang makababa. buti na lang at payat si kuya kaya hindi niya sakop yung buong pinto. mas malaki rin katawan ko kaya wala rin siyang nagawa.

nakababa ako ng bus na walang nakuha sa akin. salamat sa aking mga anghel at sa langit.

naikuwento ko kay phat kid ang mga nangyari. sabi ko sa kanya na bakit nila ako dudukutan eh mukha naman akong mahirap, hampas-lupa, anak-pawis, pesantes at aba..

sagot niya, "kasi ang jowa mo mayaman kaya nagmumukha ka na ring mayaman."

posted from Bloggeroid

Monday, May 6, 2013

kolboy

sabi nga nila, tatagal ka sa iyong trabaho dahil sa mga kasama mo.

mahigit isang taon na nung sinubukan kong pasukin ang pagiging kolboy. nung umpisa, wala lang, gusto ko lang masubukan.

pero naisip ko na kaya ko sinubukan dahil gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko at makaalis sa di magandang kapaligiran ng aking trabaho. siguro napuno na ako sa mga mapanghusgang mata at makakating dila sa paligid ko. napagod na rin ako na patunayan lagi sa lahat na magaling ako kahit alam kong may masasabi pa rin sila sa bandang huli.

naisip kong hindi na ako nagiging masaya kaya ko naisipang maghanap ng malilipatan.

natuwa naman ako dahil hindi ako masyadong nahirapan na matanggap. salamat sa naginterbyu sa akin na matabang babae. siguro nakuha namin ang kiliti ng bawat isa kaya parang nagkuwentuhan lang kami. handa naman ako sa mga pangmiss universe na mga tanong kaya hindi na niya pinatagal ang interbyu. alam mo namang matatanggap ka kung sa bawat sagot mo ay nakangiti at puro tango ang nagiinterbyu sa iyo.

mapalad akong napunta sa isang madaling account. madaming tawag kaya mauubos laway mo pero pag nakasanayan ay kaya mong makipagusap at magawa ng tama kahit halos tulog ka na. madaming natatanggal o nalilipat pero masuwerte naman akong nakatagal hanggang maregular.

malaki ang naging papel ng aking mga naging kaibigan kaya ako tumagal at nananatili sa account namin. magagaling ang nagturo sa akin at talagang tinutukan nila ako hanggang sa masanay ako. mahirap maging call center virgin. buti na lang at hindi sila madamot na ituro ang alam nila.

may mga naging kaibigan din ako sa ibang team. mga naging katabi ng station o nakasabay sa break o nakakuwentuhan lang. mga kuwento habang walang tawag. mga kuwento kahit umaapaw sa tawag. mga tawanan na naitatago salamat sa mute button. napakabilis minsan ng oras at may mga oras namang parang buong araw sa haba.

sa paglipas ng mga araw at buwan, hindi ko namalayang madami na pala kaming napagsamahan. napakasayang isipin na sa loob ng isang taon ay may magyayaya sa iyo na maging ninong ng anak nila o kaya ay pumunta sa kasal o birthday o outing. mga kwentuhan na hindi natatapos sa office kundi natutuloy sa text o fb.

sa totoo lang, hindi ko inasahan na mageenjoy ako sa pagiging kolboy. hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako sa ganitong trabaho pero lagi akong nagpapasalamat na may nakilala akong mga bagong "friend", "mars", "gaga" at "bakla" na kahit kembot nang kembot ay hindi pa rin nakakalimutang chumorva chorva.

posted from Bloggeroid

Thursday, May 2, 2013

Inday

kahapon habang pawisan akong nagbubunot ng kuwarto, naalala ko si inday. si inday na laging dahilan ng nosebleed ng kanyang amo. si inday na graduate ng harvard na sa bawat tanong ng kanyang madamme ay ingles ang sagot at napakaprofound pa. si inday na nung natutong magingles ang amo ay marunong din ng espanyol. si inday na tinapatan ni dudong na malalim naman kung managalog.

dati araw-araw akong nakakatanggap ng group message tungkol kay inday.

bakit ko nga ba siya naisip?

kasi minsan tinanong ako ni phat kid kung pakiramdam ko raw ba ay isa akong katulong dito sa bahay niya.

oo naman. isa akong hamak na aliping saguiguilid na naninilbihan sa amo kong prinsipe.

pero ako ang pinakasosyal at pinakasuwerteng alipin sa buong mundo.

ako lang ang aliping hinahatid at sinusundo sa isa ko pang trabaho; pinapakain ng masarap at natutulog sa kuwartong naka-aircon; dinadalhan ng pasalubong at binibilhan ng mga bagay na hindi ko maisip bilhin.

ako lang siguro ang aliping may itouch at s3.

eat your heart out inday.

posted from Bloggeroid

Wednesday, May 1, 2013

Utak. Utak

si phat kid nahuhumaling sa zombie tsunami at naglalaro pa rin ng plants vs. zombies.

masipag pa rin akong nagtatanim at nagiinvade sa aking zombie farm.

tinapos na namin ang tatlong seasons ng the walking dead at ngayon wala na kaming masubaybayan.

salamat sa graveyard shift, madalas hindi bampira ang tingin ko sa sarili ko kundi zombie.

hindi naman kami bored. masyado lang umikot sa mga zombie ang buhay namin ngayong mga nagdaang buwan. makakaget-over din kami sa mga yan.

sandali lang. maghaharvest at magiinvade muna ako.
posted from Bloggeroid

Tuesday, April 30, 2013

Sinigang

hindi ako magsasawa sa sinigang na baboy. gusto ko yung madaming gulay lalo na kangkong. dapat litaw na litaw ang asim. mas masarap kung buto-buto yung gamit na karne. at may patis para konting alat.

naikuwento ko kay phat kid kung paano ko naging paborito ang sinigang na baboy.

noong 2nd year high school ako nagkaroon ako ng mataas na lagnat. sa takot ni mama nung hindi bumaba lagnat ko maghapon, nagpunta na kami ng ospital. nalaman na may dengue ako.

sa siyam na araw na inilagi ko sa ospital, naging kaibigan na namin ang mga nars, med tech at pati nagdadala ng pagkain at naglilinis ng kuwarto. ginang palakaibigan kasi si mama. hindi naman nagkulang sa alaga at serbisyo ang mga empleyado na laging bumibisita sa akin.

pagkatapos akong masalinan ng ilang bag ng platelets, nakabawi naman ang katawan ko. nagkagana akong kumain at nakahiligan ko ang sinigang. kahit sabaw at kanin lang ayos na. basta sinigang.

salamat sa mga nag-alaga sa akin, sa mga bumisita, sa mga panalangin at sa sinigang, hindi ako namatay.

sa mga araw na hindi maayos ang pakiramdam ko at magrerequest ako kay phat kid ng ulam, alam na niya kaagad ang lulutuin.

posted from Bloggeroid

More laba more fun

tambak na naman ang labahan. kailangan ulit linisin ang banyo. walisan ang sahig, i-mop o bunutin. madami akong kailangang gawin.

mas mahirap palang maglaba para sa dalawang tao. kasi nga naman doble ang dami ng labahan. naiisip ko tuloy kung paano nagagawa ni mama na maglaba para sa amin noon. kahit may washing machine, parang kulang ang isang araw dahil sa pagod at iba pang gawain.

nahihiya ako kay phat boy pero parang di ko kakayanin ang labahan. parang di ko mauubos. nakakaramdam naman siya kaya sabi niya dalhin na namin sa laundry shop. okay lang pero mas gusto ko ang fabric softener na gamit ko ngayon kesa dun sa ginagamit sa shop.

masipag ako kung tutuusin. sa apat na magkakapatid, ako lang ang laging inaasahan ni mama sa gawaing bahay. nasanay ako sa pagwawalis, pagmmop, pagpupunas, paglalaba at kung anu-ano pa. noong magkasama pa kami ng kapatid kong babae sa apartment, ako lagi ang naglilinis ng kuwarto namin. alam ko kung saan lahat nakalagay ang mga gamit naming dalawa.

ako ang naglalaba ng sarili kong damit. si kapatid pinapalaba niya sa tita namin o sa laundry shop.

hindi ko inaasahan ang lawak ng bahay ni phat kid. siguro dun ako talo. nasanay ako sa di kalakihang espasyo na lilinisan. madalas din kaming magpalit ng damit dahil sa mga lakad at sa mainit na panahon.

kailangan na raw namin ng katulong. nakakahiya man pero tama siya. kahit gaano raw ako kasipag, mapapagod ako nang mapapagod dahil may trabaho rin ako.

pero hanggat di pa nakakabalik ang kanyang kasambahay, kakayanin ko lahat to.

posted from Bloggeroid

Sunday, April 28, 2013

Phat chaser

palagi niyang sinasabi na walang magkakagusto sa phat kid.

seloso kasi akong tao. hindi ko man pag-aari si phat kid, akin lang siya. di puwedeng ipahiram at ishare sa iba. kung sa mga hayop, territorial ako. lagot ang tumapak sa teritoryo ko, lalo ang magtangkang angkinin ang para lang sa akin.

sa araw-araw na ginawa ng Dakilang Lumikha, lagi kong tinatanong si phat kid kung may nagtangka bang lumandi sa kanya sa mga oras na di kami magkasama. alam kong wala naman siyang itatago sa akin kaya magsasabi siya kung meron man.

ang lagi niyang sagot, wala namang lalandi sa kanya dahil walang nagkakagusto sa mataba.

siyempre hindi ako naniniwala. ano na lang ang tawag mo sa akin?

posted from Bloggeroid

Saturday, April 27, 2013

Tulog tulog din

naiinggit ako kay phat kid. kaya niyang makatulog sa loob ng limang minuto. may kasamang paghihilik pa yan. madalas pinauuna niya akong makatulog dahil pag nagsimula na siyang humilik, hirap na akong makapunta sa mundo ng panaginip. pero nakakatulog pa rin naman ako. pinanonood ko muna siya sa paggaya ng ugong ng traysikel at maya-maya ay makakatulog na rin ako.

posted from Bloggeroid

Friday, April 26, 2013

Tatlong taon

nung single pa ako, bago ko pa nakilala si phat kid, tinanong ako ng office mate ko. mahirap daw bang makahanap ng jowa sa mundo ng mga beki?

sagot ko sa kanya, friend. tatlong taon na akong single.

nagtataka lang daw siya kasi may nakakadate naman daw ako. hindi naman ako kapangitan. okay sa trabaho. maayos kasama.

hindi ko rin siya masagot nun. dahil base sa napagdaanan ko, napakadaling makahanap ng makakachat, makakadate, makakalandian at makakasex sa mundo natin. tumambay ka lang sa mall o sa coffee shop. magonline ka lang sa planetromeo o grindr. magchat ka lang sa mirc. sumali ka lang sa clan. at kung anu-ano pa.

pero ang makahanap ng relasyon, ibang usapan na yan.

dahil tatlong taon akong naghanap at naghintay bago dumating si phat kid sa buhay ko.

siguro para sa iba napakadali lang. pero para sa isang tulad ko, tatlong taon.

posted from Bloggeroid

Thursday, April 25, 2013

Phat boy

pag ang kasama mo phat kid, siguradong hindi ka magugutom. alam din niya kung saan masarap kumain at gusto niyang subukan ang iba't ibang kainan. kaya ang resulta, lagi akong busog.

pag nasa labas kami ni phat kid, lagi siyang nagtatanong kung gutom ako. lagi rin siyang nagtatanong kung may gusto o naiisip akong kainin. ayos lang gumastos kung sa pagkain naman mapupunta.

ayaw ni phat kid na nagddiet ako. kahit pinapayagan niyang magbaon ako ng biscuits at oatmeal araw-araw, pagkauwi ko siguradong mabubusog ako. nahalata kong pinapataba ako ni phat kid.

hindi ako kaagad tumataba. yun lang. pero napapansin kong nagkakatiyan na ako. nagtatagumpay na si phat kid. pero alam kong matitigil din siya pag sumikip na mga damit ko. madali naman akong pumayat at ang sabi niya, isang punta ko lang sa banyo at wala na lahat ng kinain ko.

naisip ko, kung magiging phat boy ako, napakaredundant naman naming dalawa. phat kid at phat boy.

sa puntong yun siya na raw ang magpapapayat.

posted from Bloggeroid

Cellphone

una akong nagkacellphone nung 2nd year college ako. isang hamak na nokia 6150. pamana yun ng kuya ko. may antenna yun tulad ng 5110 pero may infrared. naging libangan ko ang memory at snake. gumagastos ako ng 300php na load sa loob ng tatlong linggo. wala pang unlitext nun.

madami na rin akong naging cellphone pagkatapos magretire ni 6150. sila nokia 3530 at 6230. isang motorola at isang samsung na galing sa post paid ng sun na group plan. myphone dahil dual sim at di ako iiyakq kung maholdap. baka ibalik pa nung holdaper yung phone ko pag nagkataon.

last year nagupgrade ako ng phone salamat sa mungkahi ng kaibigan ko. lahat kasi sila, kung di iphone ay android or blackberry ang gamit. hiyang-hiya ang myphone ko. nakaipon ako at bumili ng blackberry 9300. okay na okay na yun sa akin. connected ako lagi at sulit na yung 599php per month na bayad sa bbmax.

naibenta si 9300 last month. bumabagal at naghahang na kasi. siguro nagpaparamdam na magreretire na. akala ko pa naman tatagal siya ng ilan pang taon pero ganun na siguro mga cellphone ngayon.

nung isang araw, naglilibot kami ni phat kid sa mall. ibinigay niya kasi sa akin itong android phone niya kaya bibili siya ng bago. may mga nadaanan kaming stalls na nagbebenta ng mga mura na phone, kasing presyo nung myphone ko.

sabi ko sa kanya, ayan na lang bilhin mo. murang-mura.

sagot niya, ayaw ko niyan. fake mga yan.

fake pala para sa kanya ang mga ganung brand. natawa na lang ako. sinabi ko na minsan nagkaroon ako ng myphone bago yung bb ko.

oh? gumamit ka noon ng myphone? kawawa ka naman pala babe.

natahimik na lang ako.

posted from Bloggeroid

Wednesday, April 24, 2013

Kompetitib

competitive na tao si phat kid. huwag na huwag mo siyang hahamunin dahil mapapahiya ka lang. karir kung karir kasi si phat kid kaya kung matatalo man siya, siguradong hindi malayo ang distansya. photo finish malamang.

ayos lang sa akin yun kasi hindi ako makompetisyon na tao. ang totoo niyan, ayaw kong may natatalo kasi may nasasaktan. nagsawa na rin ako sa dami ng kompetisyon na nasalihan ko.

grade 1. tie-breaker question for contestant no. 8 and no. 13.
what is the difference when you subtract 237 from 964.
timer starts now.

time is up. the correct answer is 727. we have a winner. congratulations to contestant no. 8.

nilapitan ko si contestant no. 13 para makipagkamay. bumaba kami ng stage at maya-maya nakita ko siyang umiiyak.

madaming tie-breakers na ang napanalunan ko. isama mo pa ang mga quiz bee, essay writing at speech contests na sinalihan ko. isa siguro ako sa mga humahakot ng medalya noon.

simula unang baitang ay pinagsumikapan ko nang mapunta sa honor roll para sa academic scholarship. madami na akong naging kaklase na diretso akong hinamon para sa top 1. kung kompetisyon ang pag-uusapan, napakadami ko nang pinagdaanan.

siguro nagsawa na akong makipagkompetisyon sa iba. kinakalaban ko na lang ang sarili ko. kasi mas mahirap kalaban ang sarili.

minsan nagtatampo si phat kid pag natatalo ko siya sa scrabble o kaya nalagpasan ko top score niya sa temple run. ngumingiti na lang ako. sabi ko sa kanya, kasi naman nagpapatalo ka.
posted from Bloggeroid

Tuesday, April 23, 2013

Laba

friend, ang suwerte-suwerte mo sa jowa mo.
ikaw na ang maganda. ikaw na ang mahaba ang buhok. ikaw na ang hinahatid at sinusundo sa work.
nakakainis ka. nakakainggit ka. ang sarap mong sampalin.

minsan ayaw ko na lang magkuwento sa office mates ko sa mga nangyayari sa amin ni phat kid. pero sabi ko nga, nasa hunnymoon phase pa lang kami. hintayin na lang nilang pumasok ako na may pasa at black eye at siguradong tatahimik sila pero hindi naman mangyayari yun.

napakadaming adjustments lalo na kay phat kid.

para sa isang taong lumaki sa amerika at sanay sa karangyaan, hindi ko minsan maisip kung paano siya nakakapagtiis. sa init. sa hirap ng buhay dito. sa trapik. sa mga holdaper. sa mga gagong driver.

bilib ako. kaya pala niya.

napatunayan ko ito isang araw na ginising niya ako at niyayang maglaba. may washing machine sila kaya mas madali pero hindi niya inasahan ang pagkukusot at pagbabanlaw.
pawis na pawis siya at alam kong ayaw na niya pero tinulungan pa rin niya ako lalo na sa pagbabanlaw at pagsasampay.

ibang klaseng tao si phat kid.

nagtext isa kong kumare matapos niyang makilala si phat kid sa personal.

friend bagay na bagay kayo. at suwerte kayo sa isa't isa. tama lang na maging kayo kasi mabait ka. kailangan mo rin ng mag-aalaga sa iyo.

Monday, April 22, 2013

Lib in

ito na nga. diz iz it panzit.
parang nung isang araw lang napag-usapan namin ni phat kid pag magkasama na kami sa iisang bahay -

- na siya ang bahala sa pagkain at ako sa paghuhugas. na mapipilitan siyang maglaba at maglinis ng bahay kung wala kaming magiging katulong. na magbabadyet kami para makapag-ipon at maging mayaman.

natawa at natuwa kami sa ideya. lalo na ako na unang beses makipaglive-in.

sabi ng kaibigan ko, madaming adjustments. hanggang sa brand ng toothpaste puwedeng pagsimulan ng away. hindi malayong mangyari lalo na sa panahon natin ngayon. lalo na sa mundong ginagalawan natin ngayon.

nireready ko na sarili ko sa oras na magkasama na kami ni phat kid sa iisang bubong. iniisip ko na masaya. na lahat ng problema kakayanin. na gagawin namin ang lahat para magwork ang relasyon. na hindi kami tutulad sa ibang magpartner. na hindi aabot sa basagan ng plato at lumilipad na kutsilyo ang relasyon namin.

ipinagdarasal ko araw-araw na sana maging handa ako pagdating ng araw na yun.

pero sabi ko nga, si papa God mapagbiro talaga.

at nagpapasalamat ako sa Kanya araw-araw dahil ibinigay Niya ang gusto ng puso ko mas maaga sa inaasahan ko. natutuwa ako dahil siguro sa paniniwala ng langit, kaya ko nang maglebel-up. kaya na namin ni phat kid.

parang kahapon lang, nag-aalala ako sa sasabihin ng pamilya ko kung magdesisyon akong humiwalay at magsarili. iniisip ko lagi baka masira lang ang bagong relasyon na mahigit tatlong taon ko nang hinihintay.

alam kong sobrang aga pa para magsalita pero narealize ko, kaya ko pala. kaya pala namin.

Wednesday, April 17, 2013

phat kid

pasko noon.
oo masaya. kasama ang pamilya. busog sa dami ng handa. kahit papaano nakapagbigay at nabigyan din naman ng regalo.
masaya kahit nagnoche buena sa opisina, nagawa pa ring makauwi ng probinsya.
pagod at busog.

buong araw akong naghihintay. isang text lang.
isang simpleng "meri krismas" lang at buong-buo na pasko ko.
naisip kong busy man siya, maaalala pa rin niya ako kahit papaano.
alas-onse na ng gabi, patapos na ang pasko, wala pa rin.
kasi umasa pa ako. umasa na naman.

hindi rin ako nakatiis kaya tinext ko na siya.

ganyan ka naman, hindi mo man lang ako naalalang batiin ng merry christmas.

message sent. ayoko na. matutulog na ako. di magpaparamdam kung ayaw talagang magparamdam.

*incoming call

hello johnnie. nasa nlex na ako. paano pumunta diyan sa inyo?

hinding-hindi ko makakalimutan kung paano binuo ni phat kid ang pasko ko.

Na naman.

kasi pasaway ako.

alam mo yun, parang di natuto. ilan na ba ang nakarelasyon ko?
apat.
yung pinakamatagal - isa at kalahating taon.

ilan na naka-mu? naka-date? nakilala sa chat? nakilala sa guys4men-na naging-planetromeo, manjam, downelink, friendster, etc?
eh yung nakilala sa clan, o sa isang kaibigan o kaibigan ng kaibigan?
di ko na mabilang.

ilang beses nang umasa, pinaasa at nagpaasa.
naghintay, naghabol, nagmukhang tanga.
umiyak. at nagpaiyak.
nasaktan. at nakasakit.

sa totoo lang. nakakasawa na. nakakapagod na.
kung puwede lang na ulitin o burahin ang madami sa mga nangyari.
na hindi ko na sila nakilala. na hindi ako umasa, nagpakatanga at umiyak.
na hindi ko nagpaasa, nanakit at nagpaiyak.

wala eh. pasaway talaga.
pero natuto na. kahit papaano. good luck.