Tuesday, April 30, 2013

Sinigang

hindi ako magsasawa sa sinigang na baboy. gusto ko yung madaming gulay lalo na kangkong. dapat litaw na litaw ang asim. mas masarap kung buto-buto yung gamit na karne. at may patis para konting alat.

naikuwento ko kay phat kid kung paano ko naging paborito ang sinigang na baboy.

noong 2nd year high school ako nagkaroon ako ng mataas na lagnat. sa takot ni mama nung hindi bumaba lagnat ko maghapon, nagpunta na kami ng ospital. nalaman na may dengue ako.

sa siyam na araw na inilagi ko sa ospital, naging kaibigan na namin ang mga nars, med tech at pati nagdadala ng pagkain at naglilinis ng kuwarto. ginang palakaibigan kasi si mama. hindi naman nagkulang sa alaga at serbisyo ang mga empleyado na laging bumibisita sa akin.

pagkatapos akong masalinan ng ilang bag ng platelets, nakabawi naman ang katawan ko. nagkagana akong kumain at nakahiligan ko ang sinigang. kahit sabaw at kanin lang ayos na. basta sinigang.

salamat sa mga nag-alaga sa akin, sa mga bumisita, sa mga panalangin at sa sinigang, hindi ako namatay.

sa mga araw na hindi maayos ang pakiramdam ko at magrerequest ako kay phat kid ng ulam, alam na niya kaagad ang lulutuin.

posted from Bloggeroid

More laba more fun

tambak na naman ang labahan. kailangan ulit linisin ang banyo. walisan ang sahig, i-mop o bunutin. madami akong kailangang gawin.

mas mahirap palang maglaba para sa dalawang tao. kasi nga naman doble ang dami ng labahan. naiisip ko tuloy kung paano nagagawa ni mama na maglaba para sa amin noon. kahit may washing machine, parang kulang ang isang araw dahil sa pagod at iba pang gawain.

nahihiya ako kay phat boy pero parang di ko kakayanin ang labahan. parang di ko mauubos. nakakaramdam naman siya kaya sabi niya dalhin na namin sa laundry shop. okay lang pero mas gusto ko ang fabric softener na gamit ko ngayon kesa dun sa ginagamit sa shop.

masipag ako kung tutuusin. sa apat na magkakapatid, ako lang ang laging inaasahan ni mama sa gawaing bahay. nasanay ako sa pagwawalis, pagmmop, pagpupunas, paglalaba at kung anu-ano pa. noong magkasama pa kami ng kapatid kong babae sa apartment, ako lagi ang naglilinis ng kuwarto namin. alam ko kung saan lahat nakalagay ang mga gamit naming dalawa.

ako ang naglalaba ng sarili kong damit. si kapatid pinapalaba niya sa tita namin o sa laundry shop.

hindi ko inaasahan ang lawak ng bahay ni phat kid. siguro dun ako talo. nasanay ako sa di kalakihang espasyo na lilinisan. madalas din kaming magpalit ng damit dahil sa mga lakad at sa mainit na panahon.

kailangan na raw namin ng katulong. nakakahiya man pero tama siya. kahit gaano raw ako kasipag, mapapagod ako nang mapapagod dahil may trabaho rin ako.

pero hanggat di pa nakakabalik ang kanyang kasambahay, kakayanin ko lahat to.

posted from Bloggeroid

Sunday, April 28, 2013

Phat chaser

palagi niyang sinasabi na walang magkakagusto sa phat kid.

seloso kasi akong tao. hindi ko man pag-aari si phat kid, akin lang siya. di puwedeng ipahiram at ishare sa iba. kung sa mga hayop, territorial ako. lagot ang tumapak sa teritoryo ko, lalo ang magtangkang angkinin ang para lang sa akin.

sa araw-araw na ginawa ng Dakilang Lumikha, lagi kong tinatanong si phat kid kung may nagtangka bang lumandi sa kanya sa mga oras na di kami magkasama. alam kong wala naman siyang itatago sa akin kaya magsasabi siya kung meron man.

ang lagi niyang sagot, wala namang lalandi sa kanya dahil walang nagkakagusto sa mataba.

siyempre hindi ako naniniwala. ano na lang ang tawag mo sa akin?

posted from Bloggeroid

Saturday, April 27, 2013

Tulog tulog din

naiinggit ako kay phat kid. kaya niyang makatulog sa loob ng limang minuto. may kasamang paghihilik pa yan. madalas pinauuna niya akong makatulog dahil pag nagsimula na siyang humilik, hirap na akong makapunta sa mundo ng panaginip. pero nakakatulog pa rin naman ako. pinanonood ko muna siya sa paggaya ng ugong ng traysikel at maya-maya ay makakatulog na rin ako.

posted from Bloggeroid

Friday, April 26, 2013

Tatlong taon

nung single pa ako, bago ko pa nakilala si phat kid, tinanong ako ng office mate ko. mahirap daw bang makahanap ng jowa sa mundo ng mga beki?

sagot ko sa kanya, friend. tatlong taon na akong single.

nagtataka lang daw siya kasi may nakakadate naman daw ako. hindi naman ako kapangitan. okay sa trabaho. maayos kasama.

hindi ko rin siya masagot nun. dahil base sa napagdaanan ko, napakadaling makahanap ng makakachat, makakadate, makakalandian at makakasex sa mundo natin. tumambay ka lang sa mall o sa coffee shop. magonline ka lang sa planetromeo o grindr. magchat ka lang sa mirc. sumali ka lang sa clan. at kung anu-ano pa.

pero ang makahanap ng relasyon, ibang usapan na yan.

dahil tatlong taon akong naghanap at naghintay bago dumating si phat kid sa buhay ko.

siguro para sa iba napakadali lang. pero para sa isang tulad ko, tatlong taon.

posted from Bloggeroid

Thursday, April 25, 2013

Phat boy

pag ang kasama mo phat kid, siguradong hindi ka magugutom. alam din niya kung saan masarap kumain at gusto niyang subukan ang iba't ibang kainan. kaya ang resulta, lagi akong busog.

pag nasa labas kami ni phat kid, lagi siyang nagtatanong kung gutom ako. lagi rin siyang nagtatanong kung may gusto o naiisip akong kainin. ayos lang gumastos kung sa pagkain naman mapupunta.

ayaw ni phat kid na nagddiet ako. kahit pinapayagan niyang magbaon ako ng biscuits at oatmeal araw-araw, pagkauwi ko siguradong mabubusog ako. nahalata kong pinapataba ako ni phat kid.

hindi ako kaagad tumataba. yun lang. pero napapansin kong nagkakatiyan na ako. nagtatagumpay na si phat kid. pero alam kong matitigil din siya pag sumikip na mga damit ko. madali naman akong pumayat at ang sabi niya, isang punta ko lang sa banyo at wala na lahat ng kinain ko.

naisip ko, kung magiging phat boy ako, napakaredundant naman naming dalawa. phat kid at phat boy.

sa puntong yun siya na raw ang magpapapayat.

posted from Bloggeroid

Cellphone

una akong nagkacellphone nung 2nd year college ako. isang hamak na nokia 6150. pamana yun ng kuya ko. may antenna yun tulad ng 5110 pero may infrared. naging libangan ko ang memory at snake. gumagastos ako ng 300php na load sa loob ng tatlong linggo. wala pang unlitext nun.

madami na rin akong naging cellphone pagkatapos magretire ni 6150. sila nokia 3530 at 6230. isang motorola at isang samsung na galing sa post paid ng sun na group plan. myphone dahil dual sim at di ako iiyakq kung maholdap. baka ibalik pa nung holdaper yung phone ko pag nagkataon.

last year nagupgrade ako ng phone salamat sa mungkahi ng kaibigan ko. lahat kasi sila, kung di iphone ay android or blackberry ang gamit. hiyang-hiya ang myphone ko. nakaipon ako at bumili ng blackberry 9300. okay na okay na yun sa akin. connected ako lagi at sulit na yung 599php per month na bayad sa bbmax.

naibenta si 9300 last month. bumabagal at naghahang na kasi. siguro nagpaparamdam na magreretire na. akala ko pa naman tatagal siya ng ilan pang taon pero ganun na siguro mga cellphone ngayon.

nung isang araw, naglilibot kami ni phat kid sa mall. ibinigay niya kasi sa akin itong android phone niya kaya bibili siya ng bago. may mga nadaanan kaming stalls na nagbebenta ng mga mura na phone, kasing presyo nung myphone ko.

sabi ko sa kanya, ayan na lang bilhin mo. murang-mura.

sagot niya, ayaw ko niyan. fake mga yan.

fake pala para sa kanya ang mga ganung brand. natawa na lang ako. sinabi ko na minsan nagkaroon ako ng myphone bago yung bb ko.

oh? gumamit ka noon ng myphone? kawawa ka naman pala babe.

natahimik na lang ako.

posted from Bloggeroid

Wednesday, April 24, 2013

Kompetitib

competitive na tao si phat kid. huwag na huwag mo siyang hahamunin dahil mapapahiya ka lang. karir kung karir kasi si phat kid kaya kung matatalo man siya, siguradong hindi malayo ang distansya. photo finish malamang.

ayos lang sa akin yun kasi hindi ako makompetisyon na tao. ang totoo niyan, ayaw kong may natatalo kasi may nasasaktan. nagsawa na rin ako sa dami ng kompetisyon na nasalihan ko.

grade 1. tie-breaker question for contestant no. 8 and no. 13.
what is the difference when you subtract 237 from 964.
timer starts now.

time is up. the correct answer is 727. we have a winner. congratulations to contestant no. 8.

nilapitan ko si contestant no. 13 para makipagkamay. bumaba kami ng stage at maya-maya nakita ko siyang umiiyak.

madaming tie-breakers na ang napanalunan ko. isama mo pa ang mga quiz bee, essay writing at speech contests na sinalihan ko. isa siguro ako sa mga humahakot ng medalya noon.

simula unang baitang ay pinagsumikapan ko nang mapunta sa honor roll para sa academic scholarship. madami na akong naging kaklase na diretso akong hinamon para sa top 1. kung kompetisyon ang pag-uusapan, napakadami ko nang pinagdaanan.

siguro nagsawa na akong makipagkompetisyon sa iba. kinakalaban ko na lang ang sarili ko. kasi mas mahirap kalaban ang sarili.

minsan nagtatampo si phat kid pag natatalo ko siya sa scrabble o kaya nalagpasan ko top score niya sa temple run. ngumingiti na lang ako. sabi ko sa kanya, kasi naman nagpapatalo ka.
posted from Bloggeroid

Tuesday, April 23, 2013

Laba

friend, ang suwerte-suwerte mo sa jowa mo.
ikaw na ang maganda. ikaw na ang mahaba ang buhok. ikaw na ang hinahatid at sinusundo sa work.
nakakainis ka. nakakainggit ka. ang sarap mong sampalin.

minsan ayaw ko na lang magkuwento sa office mates ko sa mga nangyayari sa amin ni phat kid. pero sabi ko nga, nasa hunnymoon phase pa lang kami. hintayin na lang nilang pumasok ako na may pasa at black eye at siguradong tatahimik sila pero hindi naman mangyayari yun.

napakadaming adjustments lalo na kay phat kid.

para sa isang taong lumaki sa amerika at sanay sa karangyaan, hindi ko minsan maisip kung paano siya nakakapagtiis. sa init. sa hirap ng buhay dito. sa trapik. sa mga holdaper. sa mga gagong driver.

bilib ako. kaya pala niya.

napatunayan ko ito isang araw na ginising niya ako at niyayang maglaba. may washing machine sila kaya mas madali pero hindi niya inasahan ang pagkukusot at pagbabanlaw.
pawis na pawis siya at alam kong ayaw na niya pero tinulungan pa rin niya ako lalo na sa pagbabanlaw at pagsasampay.

ibang klaseng tao si phat kid.

nagtext isa kong kumare matapos niyang makilala si phat kid sa personal.

friend bagay na bagay kayo. at suwerte kayo sa isa't isa. tama lang na maging kayo kasi mabait ka. kailangan mo rin ng mag-aalaga sa iyo.

Monday, April 22, 2013

Lib in

ito na nga. diz iz it panzit.
parang nung isang araw lang napag-usapan namin ni phat kid pag magkasama na kami sa iisang bahay -

- na siya ang bahala sa pagkain at ako sa paghuhugas. na mapipilitan siyang maglaba at maglinis ng bahay kung wala kaming magiging katulong. na magbabadyet kami para makapag-ipon at maging mayaman.

natawa at natuwa kami sa ideya. lalo na ako na unang beses makipaglive-in.

sabi ng kaibigan ko, madaming adjustments. hanggang sa brand ng toothpaste puwedeng pagsimulan ng away. hindi malayong mangyari lalo na sa panahon natin ngayon. lalo na sa mundong ginagalawan natin ngayon.

nireready ko na sarili ko sa oras na magkasama na kami ni phat kid sa iisang bubong. iniisip ko na masaya. na lahat ng problema kakayanin. na gagawin namin ang lahat para magwork ang relasyon. na hindi kami tutulad sa ibang magpartner. na hindi aabot sa basagan ng plato at lumilipad na kutsilyo ang relasyon namin.

ipinagdarasal ko araw-araw na sana maging handa ako pagdating ng araw na yun.

pero sabi ko nga, si papa God mapagbiro talaga.

at nagpapasalamat ako sa Kanya araw-araw dahil ibinigay Niya ang gusto ng puso ko mas maaga sa inaasahan ko. natutuwa ako dahil siguro sa paniniwala ng langit, kaya ko nang maglebel-up. kaya na namin ni phat kid.

parang kahapon lang, nag-aalala ako sa sasabihin ng pamilya ko kung magdesisyon akong humiwalay at magsarili. iniisip ko lagi baka masira lang ang bagong relasyon na mahigit tatlong taon ko nang hinihintay.

alam kong sobrang aga pa para magsalita pero narealize ko, kaya ko pala. kaya pala namin.

Wednesday, April 17, 2013

phat kid

pasko noon.
oo masaya. kasama ang pamilya. busog sa dami ng handa. kahit papaano nakapagbigay at nabigyan din naman ng regalo.
masaya kahit nagnoche buena sa opisina, nagawa pa ring makauwi ng probinsya.
pagod at busog.

buong araw akong naghihintay. isang text lang.
isang simpleng "meri krismas" lang at buong-buo na pasko ko.
naisip kong busy man siya, maaalala pa rin niya ako kahit papaano.
alas-onse na ng gabi, patapos na ang pasko, wala pa rin.
kasi umasa pa ako. umasa na naman.

hindi rin ako nakatiis kaya tinext ko na siya.

ganyan ka naman, hindi mo man lang ako naalalang batiin ng merry christmas.

message sent. ayoko na. matutulog na ako. di magpaparamdam kung ayaw talagang magparamdam.

*incoming call

hello johnnie. nasa nlex na ako. paano pumunta diyan sa inyo?

hinding-hindi ko makakalimutan kung paano binuo ni phat kid ang pasko ko.

Na naman.

kasi pasaway ako.

alam mo yun, parang di natuto. ilan na ba ang nakarelasyon ko?
apat.
yung pinakamatagal - isa at kalahating taon.

ilan na naka-mu? naka-date? nakilala sa chat? nakilala sa guys4men-na naging-planetromeo, manjam, downelink, friendster, etc?
eh yung nakilala sa clan, o sa isang kaibigan o kaibigan ng kaibigan?
di ko na mabilang.

ilang beses nang umasa, pinaasa at nagpaasa.
naghintay, naghabol, nagmukhang tanga.
umiyak. at nagpaiyak.
nasaktan. at nakasakit.

sa totoo lang. nakakasawa na. nakakapagod na.
kung puwede lang na ulitin o burahin ang madami sa mga nangyari.
na hindi ko na sila nakilala. na hindi ako umasa, nagpakatanga at umiyak.
na hindi ko nagpaasa, nanakit at nagpaiyak.

wala eh. pasaway talaga.
pero natuto na. kahit papaano. good luck.