Tuesday, April 30, 2013

More laba more fun

tambak na naman ang labahan. kailangan ulit linisin ang banyo. walisan ang sahig, i-mop o bunutin. madami akong kailangang gawin.

mas mahirap palang maglaba para sa dalawang tao. kasi nga naman doble ang dami ng labahan. naiisip ko tuloy kung paano nagagawa ni mama na maglaba para sa amin noon. kahit may washing machine, parang kulang ang isang araw dahil sa pagod at iba pang gawain.

nahihiya ako kay phat boy pero parang di ko kakayanin ang labahan. parang di ko mauubos. nakakaramdam naman siya kaya sabi niya dalhin na namin sa laundry shop. okay lang pero mas gusto ko ang fabric softener na gamit ko ngayon kesa dun sa ginagamit sa shop.

masipag ako kung tutuusin. sa apat na magkakapatid, ako lang ang laging inaasahan ni mama sa gawaing bahay. nasanay ako sa pagwawalis, pagmmop, pagpupunas, paglalaba at kung anu-ano pa. noong magkasama pa kami ng kapatid kong babae sa apartment, ako lagi ang naglilinis ng kuwarto namin. alam ko kung saan lahat nakalagay ang mga gamit naming dalawa.

ako ang naglalaba ng sarili kong damit. si kapatid pinapalaba niya sa tita namin o sa laundry shop.

hindi ko inaasahan ang lawak ng bahay ni phat kid. siguro dun ako talo. nasanay ako sa di kalakihang espasyo na lilinisan. madalas din kaming magpalit ng damit dahil sa mga lakad at sa mainit na panahon.

kailangan na raw namin ng katulong. nakakahiya man pero tama siya. kahit gaano raw ako kasipag, mapapagod ako nang mapapagod dahil may trabaho rin ako.

pero hanggat di pa nakakabalik ang kanyang kasambahay, kakayanin ko lahat to.

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment